Huwebes, Setyembre 11, 2014



Ang Haligi ng Tahanan

Meron ka bang maituturing na haligi ng tahanan? Ama ng tahanang gagabay at susuporta sayo sa bawat hakbang na nais mong tahakin pagdating ng panahon. Magiging malakas kapag nahihirapan ka, magsasabing "okay lang yan" kapag may suliranin kang nararanasan, papagalitan ka kapag nalaman niyang may masama kang ginawa o may mali kang desisyon na pinasok, at higit sa lahat sasabihing proud siya sayo sapagkat mayroon kang tagumpay na nakamit. Bawat ama ay nagnanais ng magandang kinabukasan para sa kanyang mga anak.
Ang isang tahanan ay hindi mabubuo kung walang haligi, at ang ama ang nagsisilbing haligi nito. kung inyong makikita sa larawan siya ang tinatawag kong "Papa". Candido Abela Florendo ang kanyang pangalan. "Jojo" o "Didoy" ang malimit na tawag sa kanya. Isa siyang kahanganga at maituturing na inspirasyon. Nagtatrabaho siya sa ibang bansa para lang masuportahan ang aming pag-aaral at mapunan ang pangangailangan ng aming pamilya. ginagawa niya ang lahat para matupad namin ang aming mgapangarap. Sa bawat mahahalagang araw na dumaraan ay nananatiling wala siya. Nakakalungkot na sa kaarawan, pagtatapos ng kanyang ng kanyang mga anak, Pasko, Bagong taon ay wala siya sa piling ng kanyang namin Alam kong minsan nahihirapan na siya pero tinitiis niya ang lahat para sa kanyang pinakamamahal na pamilya. Kaya wala kaming litrato kasama siya. Gusto kong magkaroon ng family picture peo kahit ni isa wala man lang. kaya sa bawat pag-alis niya naiisip ko na kailan kaya ulit siya babalik. yung feeling na kapag kausap mo siya sa kaunting sandali man lang maiisip ko bigla na kailan ko kaya siya masusuklian.. Tinitiis niya lahat ng yun. pero sabi nila walang magulang na naghahangad ng kapalit mula sa anak ang nais lang nila ay makapagtapos ito, makakakuha ng magandang trabaho balang araw at makapagbuo ng sariling pamilya kaya sinusuportahan nila ang ating mga pangangailan. alam naman nating walang amang perpekto tao rin sila nagkakamali. at kung mapapansin natin na halos lahat ng lalaki ay hindi basta basta naglalabas ng sama ng loob, at kabilang siya dito. Siguro madami na din siyang hinanakit sa akin pero pinapakita niyang ayos lang siya. Bilang isang anak ako aymarami ng pagkukulang sa kanya at sana kapag ayos na ang lahat,nais kong mapunan mga pagkukulang ko sa kanya.


Kaya tayong mga kabataan mahalin natin ng husto ang ating ama, sabi nga “hindi tayo mabubuhay sa mundo kung wala sila”. Pahalagahan natin ang bawat oras na kasama natin sila. Wag nating hayaang masira ang relasyon natin sa kanila. Bagkus tuparin natin ang mga binuong pangarap nila para sa atin, hindi naman masamang magkamali pero sana tulungan natin ang ating mga sarili na bumangon para sa ikakabuti ng lahat. At siguro darating din ang pagkakataon na maiintindihan din tayo ng ating pinakamamahal na ama. Siguro magkakaroon tayo ng hinanakit sa kanya pero wag tayong magpadaig, sapagkat lalamunin lang tayo nito. Kaya ako ay napapasalamat sa Panginoon sapagkat ang Papa ang binigay niya sa akin kahit na hindi gaano kayaman pero masaya naman.