Pamilya Ko, Inspirasyon Ko
Mayroon ka bang isang buo at masayang pamilya? Masasabi ko na buo at masaya ang aking pamilya. Sila ang sumusuporta sa akin. Ang aking pamilya ang maituturng kong isa sa aking mga inspirasyon. Lagi sila ang gumagabay at nagpapaalala sa akin ng mga bagay na dapat at hindi dapat gawin.
Ang aking pamilya ang pinakamahalagang biyaya sa akin ng Panginoong Diyos. Kami ay buo at laging sama-sama sa aming simpleng tahanan. Dito sa aming tahanan nabuo ang isang masaya at simpleng pamilya kahit kami ay dalawa lang magkapatid. Ang aking ama ay si G. Elmer P. Limbo, siya ay isang driver ng aming dyip, at maituturing kong tunay na haligi ng aming tahanan. Istrikto siya sa amin ng aking kapatid kung minsan. Hindi niya kami pinapayagan na pumunta sa sayawan sa aming kalapit baryo o barangay, at hindi din niya kami pinapayagan na umalis sa aming bahay kapag gabi na. Ang aking ina ay si Gng. Priscila B. Limbo, siya ay maasikaso sa amin. Ang iba pa hanapbuhay ng aming pamilya ay ang pag-aalaga ng baboy at kung minsan ay nangingisda din ang aking ama kapag wala siya biyahe. Ang aking kapatid ay si Jamelyn Limbo-Ramirez, Ramirez na ang apilyedo niya ngayon dahil may asawa na siya. Ang kanyang asawa ay si Miguel Ramirez at si Carl Marley Ramirez ang kanilang anak. Nakatapos din ng Bachelor of Elementary Education. Nagtutulungan kami palagi at nang sa ganun ay maging masaya ang aming pamilya. Kapag may problema na dumarating sa amin ay madali namin ito nilulutas dahil alam namin na ito ay sadyang ibinigay sa amin ng Diyos na pagsubok at alam niya na kaya namin ito malampasan.
Tunay nga na masarap ang mabuhay na kasama ang buong pamilya. Sila ang inspirasyon ko at lahat ang ng pagsisikap ko na maabot ang pangarap ko ay inaalay ko sa kanila. At nagpapasalamat ako dahil sila ang ibinigay sa akin ng Panginoong Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento